I am not imagining things. What I choose in life isn’t what I need but, it is what I want.
Sa buhay, may experiences tayong hindi natin makalilimutan. Minsan pa ito ang nagiging daan para makilala natin ang ating mga sarili. Ngunit minsan ito rin ang nagbibigay sa atin ng amnesia— gusto man nating maalala para bang sinadya na tuluyang mabura. Sa akin, may mga alaala akong kinokonsidera, bagay na kumakalikot sa sarili kong emosyon.
Kapag may dumaang eroplano sa himpapawid kumakaway ako. Sino ba ang batang hindi nakaranas gawin ito, di ba? Dahil iyon sa pag-aakala ko na ang mga astronaut ay nakasakay sa eroplano kaya gusto ko ring maging astronaut noong bata ako.
Noong nagkakaisip na bigla’y gusto kong maging teacher. Nang makatungtong ako sa high school lumalim ang pangarap ko, gusto kong maging journalist. Animo’y mala-live action sa field. There, I started writing essays, and soon I received a campus journalism certificate. Madalas pa sabihin ng mga teacher ko noon sa akin na may potential daw ako sa pagsusulat, na nagtulak sa akin para igihan pa. Pero wala alinman sa Astronomy, o sa Education, o sa Journalism ang napag-aralan ko.
My destiny’s twist.
My life has changed.
My dreams are gone.
Getting married at 18 was a bad idea, but circumstance has left me no choice. My mother got married at 16, so siguro may pinagmanahan ako.
But… I am different.
I am a fool!
Marami sa atin ang hindi kayang mag-open ng problema o ng kahit anong damdamin sa ating mga magulang gayong higit sa sinuman ay sila ang mga taong unang nakauunawa sa atin. I can still remember that day, the worst day in a life of a teenage girl.
My nightmare!
It was afternoon in mid-April of 2008. Nagpaalam akong pupunta sa palengke at may mahalagang bibilhin. It’s fifteen minutes drive from home. Nagsama rin ako ng chaperon. Syempre, lahat ng ito’y planado at drama.
Habang nagbibihis ako dumaan si Tatay at sumilip sa labas ng bukas na bintana ng kuwarto ko.
“May pupuntahan ka, e hapon na.” Imbes na pag-aalala ang nasa tono niya, pagtutol ang nahimigan ko.
“May bibilhin lang kami. Saglit lang.” Alibi na hindi ko alam kung tama bang sabihin pa, pero sa tuwina’y wala akong mapagpilian.
Lihim kong ipinagpasalamat na hindi na siya nakipagtalo pero hindi ko maalis-alis ang tila bato na nagpapabigat sa dibdib ko habang hinahabol ko siya ng tingin. Kagabi lang, niyakap ko siya nang mahigpit, senyales ng paalam. Masakit.
It was a good point as no one notices my plan, a very bad plan. Pipigilan nila ako kapag narinig nila ang dalawang buwan ko ng pinoproblema. Kaya mas pinili kong solohin. Pinili kong ilihim.
Habang palayo nang palayo ang mga paa ko sa bahay bumibigat nang bumibigat din ang dibdib ko. At dahil lamang ito sa boyfriend ko kaya ako lumalayo. Dahil sa kanya kaya ako naglakas-loob na planuhin ito. Dahil lang sa kanya na nakitaan ko ng kinabukasan ko.
Who would have thought that love could possibly change a person’s personality, beliefs and its entire life? In every aspect, love can change the humanity. It can turn our world upside down. Pero nakadepende pa rin sa tao kung paanong pakibagayan ang pag-ibig, kung paanong kontrolin, na siyang hindi ko na-apply sa akin mismo.
Sa panahong iyon naging rebelde ako laban sa sarili ko. Naramdaman ko ang pagkamiserable at pagkawalang kuwentang anak sa mga magulang ko. Dahil nagdadalantao ako. At sa labis na takot, lumayas ako at sumama sa boyfriend ko. He was my schoolmate, and my first boyfriend. We both part ways after he graduate. And a couple of years later, we met unexpectedly, and fell in love for the second time. Napaka-weird ng tadhana, ng pag-ibig laban sa akin.
The same moment when I was with his family, I felt the random homesickness. I couldn’t overcome my fear and guilt. And this nostalgia grows in my chest continuosly, it gets worse every single day. It’s very powerful. I wish I can defeat it but I feel lost. And it’s out of my control.
Dapat ay masaya ako pero madalas akong maalimpungatan sa gabi at bigla’y iiyak. Naiisip ko ang iniwan kong pamilya para bumuo ng sarili kong pamilya, dahilan para maramdaman ko rin ang tone-toneladang lungkot na araw-araw ay bumibigat at binabagabag ako.
Sa kabila ng hindi niya pagpapabaya sa akin ay hindi ko napanindigan ang maging isang asawa o ng magiging bagong ina. May kulang. May butas sa puso ko na hindi ko alam paano lalapatan at isara. One thing is sure, I want to be with him, and with my family as well.
I miss home! So much it is killing me hearing from a relative how my father cries on my wedding day.
“Wala na iyong paboritong anak ko.” His words shattered me into pieces. Nagpadagdag lamang ito sa guilt na tila martilyong walang tigil sa pagpukpok sa dibdib ko— paunti-unti akong pinapatay.
Bukod sa wala sila sa araw ng kasal ko, wala rin akong mukhang ihaharap sa kanila. Taksil akong anak kaya ano ang magtutulak sa akin para magpakita? Higit sa lahat, usig ng budhi ang tumira sa puso ko. Hindi pa ako handang lumapit sa isa man sa kanila. Nakakahiya ang ginawa ko!
Three months later, nagkaroon ng problema ang panganay naming kapatid na babae. Hatinggabi noon nang tawagan nito kami para ihatid sa ospital ang nagtatae nitong anak. We rushed as early as we could. Sa isip ko, baka ito na ang turning point para mapalapit ako muli sa mga magulang kong noo’y alam kong mabigat pa rin ang loob sa akin. At iyon nga ang naging dahilan at paraan para tanggapin nila kaming mag-asawa. Suntok sa buwan ang mga sumunod na nangyari.
Maganda ang mga naging resulta ng koneksiyon sa pagitan ng asawa ko’t mga kamag-anak. Lalo na ang maayos na relasyon nito sa mga kapatid kong lalaki. Samakatuwid, ganap siyang naging miyembro ng pamilya. Magaling itong makisama at walang reklamo sa anumang tinatamasa. Sa amin na kami tumira pagkatapos kaming payagan ng mga magulang niya. Doon ko na rin ipinanganak ang anak namin.
Nasa ayos ang lahat— kuntento sa simpleng simula. Nagkaroon ng panibagong pangarap. Napakalinaw ng kinabukasan. Naka-focus ang mga plano sa aming dalawa— sa anak naming lumalaki na rin. Nabuo ako. Tila muling nabuhay ang pag-asa ko.
Gayunpaman, gaano ko man kagustong maging perpekto ang lahat ay isang sampal sa akin ang katotohanang hindi fairytale ang buhay kung saan ay biglang hihilahin ka mula sa kahirapan patungo sa karangyaan. Walang pagsasamang hindi sinusubok ng problema. Walang relasyong umiikot lamang sa pagkakabuhol ng mga damdamin mula sa pagpaparamdam ng pagnanasa at pagmamahal, ng atraksiyon at lambing patungo sa malakas at sentimental na paniniwalang magtatagal ang bawat nagmamahalan.
Fairytale is a sort of a vivid scenery that will bring you into a dull images. Nagbabago. Lumuluma.
Normal ang magtalo para sa sinuman, pero hindi ordinaryo kung ang dahilan ay selos at kawalan ng tiwala. It can break an iron. Or it can shatter you. Well, both happened to us.
I can’t believe how our strong relationship has vanished on 2011. It wasn’t our first fight. But that night, we had misunderstandings na nauwi sa pisikal na pananakit at mabigat muling desisyon.
Naghiwalay kami ng tirahan pansamantala. Umuwi siya sa kanila, sa akin naiwan ang bata. At doon ko rin na-realize na hindi basta-basta ang pag-aasawa. Hindi ka mabubuhay ng pagmamahal lang kung wala kayong parehong permanenteng trabaho at pera. Hindi mo makikita ang kinabukasan ng anak ninyo na lumalaki kung pareho kayong miserable at walang sumusuporta.
Walang nakapapansin ng away at ng hindi namin pagkakaunawaaan gayong marami kami sa bahay. Walang nakaaalam na hindi kaming parehong masaya sa napili naming buhay dahil wala akong ipinakikitang paghihirap ng kalooban sa sinuman. Especially with my parents. Maliban sa mga gabing nakatutulugan ko ang pag-iyak pagkatapos kinabukasan ay bagong mukha ang nakikita ng karamihan. I have to stitch lies, na okay lang kaming mag-asawa. I have to turn negative to positive, na uuwi rin siya sa amin. I have to pretend, cause this is the only thing left. Futhermore, I become a tough woman. But my intentions has reached to its limit. Dahil hindi naikukubli ng paghihilamos at pulbo ang pamamaga ng mga mata.
Kinuwestiyun na ako ni Nanay. There, holding my tears and pain was not in my hands anymore. Sobbing, I told her the truth, detail by detail. Ipinakita ko maging ang pasa sa braso ko na ilang araw ring tinatabunan ng manggas ng damit.
She sighed of disappointment and pity. “Sinabihan na kita, pero matigas ang ulo mo.” Naunawaan ko na wala mang grudge sa akin si Nanay sa maaga kong pag-aasawa pero bilang magulang naroon ang sama ng loob. And despite of all I have done wrong to my family, they’re always the beautiful people in my life, who’ve accepted me in my ups and downs. They will always be my favorite people. Sa kabilang banda, walang nangyari na puwedeng pang balikan at baguhin pero mayroong posibleng ayusin. Pareho naming mga magulang ang umayos ng gusot naming mag-asawa. Ang hindi nila alam nabuo na ang plano sa ulo ko.
Mangingibang-bansa ako!
Akala ko’y tututulan niya ang desisyon na ito. Akala ko’y maririnig ko sa kanya na huwag na lang at maliit pa ang anak namin. I heard the opposite. “Nasabi mo na ba sa nanay mo? Kung pumayag siya, okay lang din sa akin.” I wasn’t shocked, but I was quite for moments when I heard this reply. Hindi na ako nag-aksaya ng panahon. Kinumpleto ang step by step na proseso. Eksaktong tatlong buwan nang matapos ang lahat ng requirements para makaalis sa bansa. Hindi matanto ang sakit kung saang parte ba ng dibdib sa pagtapak ko sa tarangkahan at pagpaalam pero may silbi ang mga luha at paghihirap ng kalooban ko kung doon sa puntong iyon ay malinaw ang nakita kong pag-usad para sa amin.
“Mag-iingat ka.” Huling salitang narinig ko mula sa kanya. Sa una’y naging mahirap at masakit ang paglayo. Kalauna’y naging mantsa na lang ang mga ito na paunti-unti ang pagkakabura, hanggang sa tuluyang maglaho. Dahil hindi ito permanente. At dahil ang pinakamasakit ay hindi ang pag-iwan sa pamilya kundi ang posibilidad na hindi ka na makababalik pa. O kung makabalik ka ma’y baka bangkay na. Sa lahat ng lumipas na oras kailangan mo lang magtiwala. Tibayan maging ang pananampalataya. At panatilihin ang mga paa sa lupa gaano man kataas ang naabot natin. Luma mang kasabihan ito, pero ito ang isa sa susukat sa ating mga pagkatao.
Ang huling sinabi niyang iyon ay nasundan pa ng isa nang bumalik ako sa abroad, ngayo’y sa Jordan. Sa puntong ito, napakarami ng distractions sa pagitan namin— higit sa anuman ay ang third parties. Lihim ang pagkakaroon niya ng girlfriends. Gaano man ako kadesperadang malaman ang katotohanan ay nangingibabaw ang pagnanais kong hindi mawasak ang pamilya na ipinagkaloob sa amin. Ngunit kung gaano kalakas ang pagnanais na iyon ay ganoon din kahina ang kinalabasan. Nabalitaan kong nag-asawa siya ulit. His late father also practiced polygamy. It is when a Muslim man is married to more than one wife.
Aminado akong walang impact sa akin ang nangyari. I felt a sort of freedom gayong hindi kami legally separated. Natuwa ako. Ipinagdasal ko pang sana hindi niya gawin sa bago niyang asawa ang ginawa niya sa akin. Sana hindi na siya muling dumagdag ng asawa.
Sana huli na ito.
Then, again, I dealt with another adjustment with our child. Kung paanong ipaunawa sa bata ang mga nangyari. Bilang ina, na nasa malayo napakahirap pakibagayan ang anak na hindi ko nakasama sa araw-araw yet, I highlighted the fact that whatever might happen he is still her father.
At dahil naduwag akong kausapin siya nang harap-harapan, I texted him. It was a tough decision when I asked him to leave the child alone in my parents’s. Dagdag kong hiniling na putulin na rin ang namamagitang koneksiyon sa amin para sa ikapapanatag ng loob ko at sa ikatatahimik din ng bago niyang asawa.
Nakuha ko nga ito ngunit, pansamantala muna. At least, in my last strike nakausog ako nang malayo. Nakabawi ako sa sarili at sa anak namin. Binigyan ko ng espasyo ang mga bagong oportunidad at tiyansa sa buhay ko para gawin ang mga bagay na hindi ko nagawa noong piliin ko siya. At naging isa muli akong ‘anak’ sa mga magulang ko, ‘kapatid’ sa mga kapatid ko. I chose to be a happy-go-lucky and carefree woman, somehow. Ngayon ay hindi dahil kailangan ko ito kung hindi dahil sa gusto ko. And I am happy with the life I chose. Away from him. Without him. Ganoon pa man, wala akong pagsisisi na makilala at mahalin siya. It’s just I become more satisfied without him. More creative, more positive and motivated.
My first self-published book under Heart Romances.
February of 2014, a year later after I’ve created my Facebook account when a romance story appeared in my Newsfeed. Hinanap ko ang Facebook page na ito dahil sa malakas na hatak sa akin. There, I found the free online stories and as well as my first love— writing. Natanggap kaagad noon ang application ko bilang isang writer nila. Bago iyon, siniguro kong kaya kong pagsabayin ang pagiging housemaid at writer ko.
Eagerness filled my heart with my first romance story, My End and My Beginning, that soon I decided to unpublish. Then, I started to write my second novel A Glimpse and completed. At sa labis na sabik ko noon, proud kong sinabi sa asawa kong nagsusulat na uli ako, romance at hindi essay. Hindi na sweet messages sa sticky note na idinidikit ko kung saan-saan sa kuwarto namin noon para sa kanya pagkatapos ay magrerespond siya. Ibang-iba. Hindi lang siya ang gusto kong pakiligin kung hindi ang mas marami. Hindi ko na itatago ang kahalayan ng utak ko na siya lang ang nakakikilatis kung hindi ibabahagi ko na rin sa iba. But it turned out a bad timing, I guess or it was a bad idea of telling him I am an official online novelist.
“Wala kang mapapala sa ginagawa mo. Tigilan mo na iyan.” I feel underestimated. It was as painful as heartbreak. Nag-expect ako nang sobra na maliban kay Nanay at ilan sa mga taong naniniwala sa kakayahan ko at itinutulak akong ipagpatuloy ang pagsusulat ko at excited na mabasa ang mga nilalaman nito ay siya ang isa pang taong gusto kong maging masaya para sa akin, sa achievements ko. But I failed. Convincing him is neither an option. Tumahimik ako, pero nagpatuloy. I did not bother to tell him I have successfully published a few short stories, flash fiction and my memoir in a different publishing houses. What for? In some circumstances, silence is the best choice.
Sa ngayon kanya-kanya kami ng buhay.
I know we all have our turning point in life, whether the result may good or bad, we all learnt a lesson. Let’s good luck ourselves in our next journey.
Hanggang sa susunod na kuwentuhan. Ingat. 🖤
Galing mo magsulat u can express well and maganda Ang sequence at pacing…
LikeLiked by 1 person