Behind the Darkness is Another Darkness

I have always found my room as like as my prison, my grave. It’s not because of the narrow space nor the silence, but because of the emptiness of feelings and lacking of possibilities and hope that lies in its four corners. Huh. Pero feeling ko ako lang ang nakararamdam n’on.

When we moved from the city to another city two years ago, sa wakas mayroon na rin akong maayos at sariling kuwarto. May wooden closet, maliit na bathroom at shower at lababo. Unlike any other housemaids with no rooms I can claim myself as the lucky one, indeed.

At gayong sa pinaglumaang kutson ako humihiga ay ayos na. Iyon lang, kinabukasan n’on uunat-unat ako ng katawan dahil sa pananakit ng likod at balakang, but I did not bother to complain. Apart from what so-called my-own-room, nagsilbi rin itong laundry room kung saan nakapuwesto sa likod ng pintuan ang washing machine at dryer, na nagpasikip sa paglabas-masok ko sa kuwarto. Dito rin ikinabit ang WiFi sa bahay. It was really okay as far as I have my privacy.

Next to where I sleep is the fireplace. Na nagtatanggal ng lamig sa buong kuwarto kapag winter. Halos magdamag kasi itong may siga, parang kalabaw ng tatay kong pinaghahandaan niya ng troso tuwing tag-ulan sa amin sa North Cotabato. Minsan pa, tinititigan ko ang lakas ng siga pagkatapos biglang eeksena ang weird na tanong sa ulo ko: ganito rin ba kaya sa impyerno? O mas mainit pa?

But, who would have care of my feelings and thoughts anyway? No one, except myself, of course.

Katulad ng madalas kong pagnanais na mapag-isa sa tuwing dinadalaw ako ng kalungkutan hanggang kaya ng sikmura, iniiwasan kong may ibang maapektuhan sa pansarili kong sitwasyon. Ang pag-post sa lahat ng nararamdaman ko sa Facebook account ko ang una kong ginagawa para mailabas ’yung hindi ko na maipaliwanag na nararamdaman ko. Dinadaan sa patula at hugot, pero huminto ako. What for? I don’t find comfort as a help anymore. Naging abala lang ito sa mga taong may sarili ring pinagdadaanan sa buhay, sa mga taong hindi naman ako mauunawaan.

Besides, once you feel alone, you should have to overcome this feeling by yourself. Tagain man tayo ng katotohanan na walang makatutulong sa atin kundi sarili natin, mas mabuti.

And for me, darkness has a greatest role to my own recovery. Ginagamot ko ang sarili sa ilalim ng madilim kong kuwarto. Dito wala akong marinig maliban sa paghugot-buga ko ng hininga at mga guni-guni na nagpapatintero sa loob ng ulo ko. At ganito marahil ang pakiramdam ng mga bulag. Memoryado ang bawat matapakan ng mga paa. At kabisado ang mukha ng dilim gayong sila ay nangangapa. Ganito rin ang pakiramdam ng katulad kong malinaw na nakakakita, ngunit sa dilim nahahanap ang kahalagahan ng pag-iisa. Kuntento. Hindi naghahanap. Hindi naliligaw. Higit sa anuman, hindi nalilito.

Darkness is a form of meditation to my brain and body; balancing my sentiment and taking away all the negativities. Pinakakalma ako ng dilim. At ilang beses man akong pinupunit ng lungkot, pinakikibagayan ko ito nang paulit-ulit.

Aminado rin akong hindi ko kayang iligaw o ignorahin ang damdaming ito, so I will always grab my phone and earphones and plays a nonstop classic love songs on Spotify or sometimes I will switch it to Quran recitation, and whether I fall asleep listening to it or it will stir the tons of grief and memories and tears in my chest could be the possible outcome, bahala na!

Marahil din ay dahil sa pagtatrabaho ko dito sa Jordan ng mahigit apat na taon nang straight ang suspetsa ko kaya madalas akong makaramdam ng pagkabilanggo o dahil sa pananabik kong makauwi.

Gayunpaman, sa likod ng dilim ay alam kong may naghihintay muling panibagong kadiliman na pinagmumulan ng parehong negatibong damdamin na nakatira sa puso ko. Ang kaibahan, dito ako nagiging malaya at dito ko natatagpuan ang kapayapaan at katahimikan. Higit sa alinman dito ko nakikilala ang sarili ko. At dito ko rin napag-aralang maniwala na wala akong kakampi sa mundong ito anuman ang gawin ko. Siguro kung may mga tao man na magbibigay ng pagpapahalaga sa akin, iyon ay panandalian. At tanggap ko iyon.

Mula sa sarisaring damdamin na nakatira sa gitna ng dibdib natin, ano’t anuman ang pagpigil natin sasabog ito, at pagkatapos ng pagsabog ay isang pagkawasak, ngunit isa ring kalayaan.

Above it all, sadness is a beautiful emotion, so whenever you feel sad it’s okay to cry.

Hanggang sa susunod na kuwentuhan. Ingat.

PS: Pagpasensiyahan ni’yo sana ang mali-maling English grammar ko.

3 thoughts on “Behind the Darkness is Another Darkness

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s