ÎSeptember 16, 2019, nasa balkonahe ako at kausap noon si Billy, kaibigan ko na naka-base sa Saipan nang marinig ko ang magkakasunod na katok sa babasaging pinto sa balkonahe. Nakatayo roon si Madam.
Binuksan niya ito at sinilip ako sa labas. Nilayo ko mula sa tainga ang cellphone pero sumenyas siyang magpatuloy ako. Sa kuryusidad, nagpaalam ako kay Billy, saka binaba ang tawag. Pagkatapos ay pumasok ako sa loob ng kusina na konektado sa balcony at maliit na sala.
“May kailangan ka po ba?” tanong ko sa Arabic.
“Tapos ka na ba?” Itinuro niya ang bitbit kong cellphone.
Tumango ako. Maya-maya ay inabot niya sa akin ang isang puting kahon. She told me it was their advance birthday present. Syempre inasahan ko nang cellphone iyon dahil sa hitsura ng kahon.
Four years na akong nagtatrabaho sa kanila. Kundi bracelet, at kung anu-anong abubot ang ibibigay niya sa akin ay lalabas kami at i-tre-treat niya ako sa fast food chain ng burger.
This time para akong nabara. I was speechless, but smiling. Na-flatter ako syempre kaya nag-thank you ako. May bonus pang pizza. Gusto ko rin sanang magpasalamat sa mga anak niya pero hindi ko na ginawa. Sa puso ko tahimik akong nagpasalamat sa Diyos sa pagbigay Niya ng mga mabubuting tao sa akin. Not only for their generosity— mula sa libreng WiFi connection at sa halos lahat ng pangangailangan ko, but for their love, care, respect and kindness to me.
Ah, mabilis talaga akong maging emosyonal kapag may natatanggap akong kahit anong bagay mula sa ibang tao. Pero pinigil ko ang sarili na hindi lumabas na OA.
“Regalo namin sa ’yo para kapag nasa Pilipinas ka na hindi mo kami makalilimutan, Happy birthday!” aniya sa Arabic. Na-touch na naman ako. Haysss!
Hindi pa natapos doon ang sorpresa. Dahil kinabukasan dinala niya ako sa bahay ng kapatid niya. Pagkatapos, binilhan nila ako ng cake— pinahipan at pinag-wish pa ako. Subhanallah! Nakatanggap din ako ng regalo mula kay Sanea, na katulong ni Madam Rana, at galing sa dalawang anak ni Madam Rana. That was so sweet!
But the present doesn’t matter. What matters to me is their love for me. Alam kong napakasuwerte ko na magkaroon ng mga employer na responsable, maalalahanin at mabait sa kanilang kasambahay simula sa unang pagtapak ko pa lang sa buhay nila.
With this family, the Alhmouz, I can say I won a jackpot in a lottery. Alhamdulillah.
Hanggang sa susunod na kuwentuhan. 😊