Ilang linggo na ring natengga sa labas itong mesa na itong obvious naman kung saan gawa, sa kawayan. Dinaanan ng ulan at baha kahapon, at sinikatan ng araw na saglit lang sumipot kanina. So, this panday suggested to finish the duty pagkatapos niyang maglaba at magluto.
Oops, hindi Panday na binidahan nina FPJ, Coco Martin at Jericho Rosales. Walang Lizardo. Hindi rin mataas ang standard pero panday na sa palagay ko’y dapat kong hangaan at pasalamatan.
Para saan ba itong mesa na ito? Okay, three months ago, pinoproblema ko ang lagayan ng mga collection kong aklat. Hanggang sa sabihin kong gawaan niya ako ng simpleng bookshelf o kahit lamiseta lang. Marami akong naiisip na idea pero wala roon ang nagawa ko. Mas prefer ko ang DIY kaysa gumastos ng malaki. Isa pa’y wala rin akong pambili. So, wala siyang sinabi, basta na lang siya naghanap ng kahoy, at nakahanap ng tirang dos por dos ng tatay. Kinabukasan niyon, pagkuha naman ng kawayan ang inatupag niya. Ako nang nag-prepare ng pako, varnish at pintura. Siya na ang bahala sa iba.
Turns out a good craft. Well, better than what I expect. May ibubuga rin pala siya sa pagpapanday. Bookshelf sa ibaba at tukador sa ibabaw— two in one ang purpose ng ginawa niya. Simple pero ang mahalaga ay maalagan ko ang mga libro ko kaysa ma-expose sa anay. Iyon lang ay sinira ng bokbok ang ilang parte ng kawayan mga ilang linggo rin ang nakararaan. Kaya nag-decide akong ilabas sa kwarto at ipa-repair sa kanya. Ngayon niya lang ulit inasikaso.
Kung bakit na ang mga simpleng bagay ay napapasaya ako dahil na rin sa simpleng pamumuhay na nakasanayan ko. At ayokong baguhin ito kahit sakaling yumaman pa ako.