Memories Bring Back

What I miss about Jordan?

Hmm…

Halo-halo ang tao sa Jordan. Katulad din ito ng ibang foreign countries. May Syrian refugees, Sudanese, Yemenis, Egyptians, Indians, Iraqis at maraming-maraming populasyon ng Pilipino.

Kung sa Saudi Arabia ay makakahanap ka ng dates kahit saan, sa Jordan doon mo naman makikita ang mga puno ng olives.

Kapag summer doon madalas kami pumunta sa malalapit na children’s park, magpapahangin. Uso rin ang watermelon na pinaparisan ng white cheese. Imagine, kahit saang vegetable at fruit stand ay may watermelon na binebenta. Kung dito sa atin ay tindero ng tubig, chichiria at kakanin ang mag-o-offer ng ganitong bilihin, newspaper, tissue paper, balloons at fresh flower ang kabuhayan ng ilang refugees na hindi ko rin alam kung paano nakatatagal sa ilalim ng mainit na araw, o kung gaano na ba silang katagal sa lugar na iyon. Nakakaawang panoorin dahil bata at matanda ay kumakayod.

Kapag naman spring na, nagha-hike kami ni Madam, magpapawis at kung maisipan niyang mag-malling kung saan-saan kaming mall nakakarating. Maganda ang paligid kapag nagsisimula ulit mabuhay (hindi literal na patay) ang mga puno pagkatapos ng winter. Para itong nagpapakita ng panibagong simula at pag-asa.

At kapag naman winter, walang lumalabas ng bahay maliban kung may snow. At ang nakasanayang gawi sa Pinas na iipunin ang ulan sa palad ang ginagawa ko rin sa balkonahe sa tuwing may snow. I’m sure na na-Google na ninyo ang hitsura ng snowflake sa ilalim ng microscope. Minsan ang lamig ay umaabot sa freezing point. Ano pa kaya kung nasa US at Europe at ibang bansa na malamig sa Asya na, no? Araw-araw rin na may dalang sinibak na kahoy ang mga binata ni Madam, para sa fireplace. Although may heater naman pero iba ang karisma ng init mula sa fireplace. And yes, we roast marshmallows during cold days. Sentimental kasi kapag malamig. Try it!

Mas gusto ko rin ang Fridays sa lahat ng araw noong nasa Jordan ako. Holiday. Magbabahay-bahay kami niyan ni Madam. Sa bahay ng tatay niya, sa mga kapatid niya at minsan sa bestfriend niya. Guess what? Para lang doon mananghalian. Well, masarap kumain sa ibang bahay.

Marespeto at maalaga rin sila sa worker nila. Kung trip naman niyang mag-ukay-ukay, sa Abdali kami makikipagsiksikan sa mala-Divisoria sa dami ng tao. Or sa isang Chinese shop (Fridays lang din sila nagbubukas) kami napapadpad na aabutin ng dalawa hanggang tatlong oras kami sa pamimili. Dahil bukod sa nakasulat sa Chinese character ang produkto ng mga ito, eh hindi pa kami magkaintindihan sa English. Tyamba lang nang ang napagtanungan ko ay straight mag-English. Kaya kung magtatanong kami ipinapakita na lang namin ang picture na manggagaling pa sa Google. Iba talaga ang nagagawa ng Google!

’Nga pala, nalaman ko rin na sa Jordan bininyagan si Jesus. [Naalala ko na may lalaking nag-message sa akin sa Facebook at tinatanong kung nasa Jordan ba raw ako? Dahil doon nga raw bininyagan si Jesus.] Sa tinitirhan namin noon sa Abdoun, naririnig ko ang parehong azan at kalembang ng kampana dahil magkakalapit lang ang masjid at simbahan. For the first time rin sa Jordan lang ako naka-decorate ng Christmas tree. Sinasadya talaga naming tatlo nina Madam at Ward ang pagpili ng Christmas decors at lights, then took time to decorate.

Above all, na-miss ko silang lahat. Ang mga hadiya (present, haha) nila. Ang cousa mashi (stuffed zucchini). Indomie. Burger na gawa ni Ahmad. Mujadara (lentils and rice with crispy onions) ni Madam. At syempre, ang ‘yalla’, ‘fawran’, ‘maagol’, ‘bi-sraa’ at ‘ya rohi’ niya, mga bagay na parang naririnig ko pa rin sa malapit.

Hindi maiwasan na minsan talaga may panahong may maaalala akong bagay o pangyayari na doon ko pa lang na-e-enjoy na isipin.

5 thoughts on “Memories Bring Back

Leave a comment