From housekeeping, writing, editing to online selling— all the blessings of a messy life.
2019 nang makauwi ako galing sa Jordan. Sumunod na taon nang makauwi naman si asawa mula Manila. Same year nang manalasa ang Covid-19. Lockdown. Cancelled ang flight niya pabalik ng Manila. Hanggang sa pareho na nga kaming mag-asawa na nawalan ng trabaho. Dumagdag pa ang panibagong anak. Nagka-letse-letse ang buhay pero God is good all the time. Dahil marami akong nakapitan at nalapitan na kapamilya, kaibigan, kakilala at estranghero. May mga nagpautang na hindi na nagpabayad. May mga nagpahiram pero hindi na ako umulit. Nakakahiya rin naman na umasa sa ibang tao.
Load at (pera) na minsan kusang dumarating at minsan hinihingi ko rin naman. At minsan galing sa panonood ng YouTube, sa raffle kung saan nabubunot ako at nagbibigay sila ng load. Kakahiyang attitude, ’no? But life goes on. Life must go on. Aral din ito na kung mabuti ka sa iba mabuti rin sila sa `yo. May mga utang pa akong hindi nababayaran, pero hindi ko iyon tinatakasan. Sorry.
Point is, have patience and faith in Allah/God.
Happy Ramadan.
[Ramadan is the ninth month of the Islamic calendar, observed by Muslims worldwide as a month of fasting (sawm), prayer, reflection and community. A commemoration of Muhammad’s first revelation, the annual observance of Ramadan is regarded as one of the Five Pillars of Islam and lasts twenty-nine to thirty days, from one sighting of the crescent moon to the next.]
Go! Go! Kaya mo yan!
LikeLike
Ayie. Salamat 🥰
LikeLike