Lucky Day or Unlucky Day

I don’t believe in kamalasan or unlucky day, pero I know that it happens in a certain situation.

Tuesday. Pagkagising na pagkagising ko, like the usual, nauna akong gumising kay mister. Bumangon na ako’t dumiretso sa kusina, sakto na tapos nang magpakulo ng tubig ang nanay kaya nagtimpla na agad ako ng kape.

Hayy, ibang-iba talaga ang amoy ng kape kapag bagong timpla. Pero wala munang pandesal ngayon kagaya ng pamares nating mga Pilipino sa kape kada umaga kasi malayo kami sa panaderya, sasakay pa ng motor papuntang talipapa. Sanay na rin naman ako na minsan may pandesal na isasawsaw sa kape at madalas wala, swerte rin kung may nilagang kamote o kamoteng kahoy, o suman, o ’di kaya ay nilalakong native delicacy tulad ng bulibid (pilipit sa Tagalog). Pero walang naglako ngayong araw kaya solo muna ang kape.

Naroon ang nanay ko sa dati niyang pwesto sa umaga hawak ang baso ng kape niya. Hinabol niya ako ng tanong na kung bakit daw ba kami bibiyahe papuntang Kabacan, eh Martes ngayon at nanghuhuli raw ang LTO ’pag Martes. Baka hindi rin siguro, ang mabilis na sagot ko. Pero ang totoo nagsisimula na rin akong kabahan. What if mayroon nga? Okay naman ang papeles ng side car na gagamitin namin. Pero what if hindi bakunado pala ang huhulihin nila? Narinig ko pa naman recently na bali-balitang bawal na ngang gumala ang hindi fully vaccinated gayong hindi pa naman mandatory ang pagpapabakuna, ’d ba?

So, tumuloy pa rin kami. Mahalaga kasing makuha ko ang dish drainer na in-order sa akin ng high school classmate ko. Uuwi raw sa kanila kaya kailangan niya itong madala. Aberya lang sa hindi namin pag-alis ng mas maaga ay dahil kulang ang ibabayad ko sana sa mga items ko. Humanap pa ako ng iaabuno bago kami nakaalis. Urgh, mahirap na masarap mag-online seller.

Pagdating sa Pagagawan, Datu Montawal (bahagi ng Maguindanao), ilang metro lang mula sa checkpoint ng mga pulis, napahinto kami. “Bakit?” agad kong tanong sa asawa ko. “Mga pulis,” sagot niya naman.

Napasunod naman ako ng tingin sa direksiyon ng tingin niya. Grupo nga ng mga pulis ang nasa unahan! Sumandal ako, biglang nakaramdam ng disappointment at kabado. Nakiramdam muna kami sandali. Naghintay sa susunod na mangyayari. Lahat ng nakakasalubong namin ay pinara at pinahinto ng mga ito. Ang sabi ng mga tao sa tapat ng hinintuan naming tindahan ay tungkol daw sa vaccine ang dahilan sa mahabang pila ng mga sasakyan. Naki-usyuso na rin ang mga nakakasunod namin. Ang iba ay mayroong vaccination card at certificate na dala-dala, iyong iba naman takot tumuloy dahil hindi raw sila bakunado, same situation lang sa amin.

Wala akong magandang maisip. Nablangko ako kasi wala akong ibang paraan na pwedeng gawin ngayon, kundi ang maghintay. Iniisip ko rin ang anak kong maliit kasi hindi ako pwedeng magtagal at magugutom siya ng gatas. Dito talaga naging makapangyarihan ang palihim na dasal. Hindi ko alam basta na lang akong nagdasal.

Kalauna’y senenyasan kami ng mga nasa unahan namin na pwede raw tumuloy, ang problema ay ang pag-uwi dahil nga nasa kabilang kalsada ang hinarang ng kapulisan. Pagdating na pagdating namin sa Kabacan ay pick-up na kaagad kami ng mga items. Paikot-ikot man sa bawat supplier at nakakapagod, ang iniisip ko na lang na kapag nag-abroad ulit ako mas mahihirapan akong mag-adjust na malayo sa mga anak ko. Ang mahalaga ay may ginagawa ako sa buhay. Hindi naman siguro akong mamamatay na mahirap pa rin? Siguro kaunting sipag at tiyaga pa makakausad din ako, o iyong ibang kagaya ko. Sana…

Pagkatapos kong i-fullfill ang misyon ko sa araw na ’to hinay-hinay na ulit kaming bumiyahe pauwi. And yes, nakatawid kami nang maayos. Wala na iyong mga pulis na may bitbit na makapal na papel, na hindi ko alam ang laman nang makabalik kami. Iyon lang, pagdating namin sa Pikit, napituhan na naman kami ng TMU. Martes daw. Bawal dumaan sa highway ang mga motor na may side car. Seriously? Pinaikot-ikot kami sa palengke. Pero okay lang, at least safe pa rin kami. So, it was a lucky day!

Uulit pa rin ako kahit Martes. 😉

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s